Karagdagang
Impormasyon sa mga nagnanais kumuha ng Amnesty (alinsunod sa mga bagong nakalap
na datos at mga katanungang tinanggap)
1.
Ang mga may absconding case ay kasama sa programang amnesty. Walang kinalaman
kung bago o matagal ng absconding.
2.
Kung may ibang kompanya na magbibigay ng visa, kinakailangang bayaran ang lahat ng
penalty bago makakuha ng bagong visa.
3.
Ang mga bata (mga anak) na may maayos na Birth Certificates ay maaari ng
i-apply ng amnesty.
4.
Ang mga bata (mga anak) na walang
maayos na dokumento tulad ng Birth Certificate ay dadaan sa imbestigasyon.
5.
Ang mga tickets ay kailangang patungo sa Pilipinas bilang destination
country at hindi sa ibang destinasyon.
6.
Sa Dubai Al Aweer, Linggo hanggang Miyerkules (Sun-Wed) 8am-8pm
ang opisina. Ito ay para lamang sa mga lalaki (males) na nag-a-apply ng
amnesty. Ang mga babae (females) naman ay sa araw lamang ng Huwebes (Thursday),
8am-8pm.
7.
Kung maayos ang mga papeles at
walang criminal case/ police case/ or court case, ang out pass ay makukuha rin sa araw mismo kung kelan nag-apply
nito.
8.
Kapag nakakuha na ng out pass, magpalipas muna ng sampung araw (1o days)
bago umalis ngunit hindi dapat lalampas sa expiration date ng nasabing out pass.
Huwag subuking umalis kung hindi pa lumipas ang sampung araw at maaaring
pigilan sa airport. Halimbawa, kung 11 December nakuha ang out pass, maaari ng
umalis mula 22 December ngunit hindi maaari mula 12-21 ng December.
No comments:
Post a Comment