Wednesday, January 2, 2013

Amnesty Advisory No. 1

Ang lahat ng mga Filipino sa Dubai and N. Emirates na maaaring makinabang sa programang Amnesty na ipinagkaloob ng United Arab Emirates ay inaanyayahang tanggapin ang kapakinabangang ito.
 
ANO:
 
Amnesty/ Libre o walang kaukulang bayad na penalty para sa mga illegal na Filipino na nasa Dubai and N. Emirates. Ang mga tatanggap ng amnesty ay kinakailangang bumalik sa Pilipinas.
 
PARA KANINO:
 
Mga Pilipino na naririto sa Dubai at N. Emirates na hindi nagtataglay ng kahit anong visa/walang bisa (non-visa holder), visa na matagal ng paso (long expired visa). Hindi kasama ang mga Pilipino na may pending criminal case.
 
KAILAN:
 
4 December 2012- 3 February 2013 (60 days)
 
PAANO:
1.    Magtungo sa Consulate General of the Philippines sa Al Qusais upang masiguro na ang inyong pasaporte at Travel Document ay valid at maayos. Kung wala kayong pasaporte/ Travel Document, higit na dapat na magtungo sa Consulate General.
2.    Ayon sa balita, mainam rin na may dala ng valid travel ticket pauwi ng Pilipinas. Ito kasama ng inyong valid na pasaporte/ Travel Document ang inyong kailangang dalhin sa Residency Department kung saan ang inyong visa ay ipinagkaloob (where visa was originally issued).
3.    Magtungo sa Residency Department ng kaukulang Emirate
·            Dubai – Al Aweer
·            Sharjah – General Directorate for Residency and Foreigners Affairs
·            Khor Fakkan – The Office of Naturalization and Residency
·            RAK- General Directorate of Residency and Foreigners Affairs in Al Hamra Island
·            Ajman – General Directorate for Residency and Foreigners Affairs
·         Umm Al Quwain – General Directorate for Residency and Foreigners Affairs
·            Fujairah – General Directorate for Residency and Foreigners Affairs
1.    Ang General Directorate for Residency and Foreigners Affairs ay magsasagawa ng proseso para sa inyong pag-uwi sa Pilipinas. Ito ay maaaring kasama ng iris scan at finger prints upang matiyak na walang pending criminal case laban sa inyo.
2.    Ayon din sa balita, ang mga nagnais na ipagpatuloy ang pagtatrabaho dito sa UAE, kinakailangang bayaran ang buong penalty o fine para maka apply ng malinis na visa.
Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 800 5111.
 

No comments:

Post a Comment